WATCH| Hidilyn Diaz, binigyan ng unang gold medal ang Pilipinas, mahigit 30-M pesos naghihintay sa kanya bilang pabuya


Nagdiriwang ngayon ang sambayanang Pilipino matapos masungkit ni Hidilyn Diaz ang pinakaunang gold medal ng Pilipinas sa Olympics sa loob ng halos 98 na taon.

Nitong July 26 ay napanalunan ni Hidilyn ang 55-kg weightlifting event ng 2020 Tokyo Olympics na ginanap sa Tokyo International Forum.

Nakakuha ang weightlifter ng kabuuang score na 224 kg, kung saan ay nakabuhat siya ng 97 sa snatch, at 127 sa clean & jerk.

Natalo niya ang dating world-record holder at gold medalist na si Liao Quiyun ng China.

Bago nanalo si Hidilyn ng gintong medalya para sa Pilipinas ay mayroon lamang tatlong silver at pitong bronze medal na nakuha ang bansa simula ng sumali ito sa Olympics noong 1924.

Samantala ay milyong milyong piso ang nag aabang kay Hidilyn pag uwi niya ng Pilipinas bilang pabuya sa kanya dahil sa pagbibigay niya ng karangalan sa bansa.

Matatandaan na inanunsyo ng San Miguel Corporation sa pamumuno ni Ramon S. Ang na magbibigay siya ng 10-M sa mga atleta ng bansa na mananalo ng gold medal.

Nangako din ang negosyante na si Manny V. Pangilinan ng MVP Sports foundation ng 10-M para sa makakakuha ng gold medal para sa bansa.

Naglaan din noon ng 3-M pesos ang Max’s group, habang magbibigay din si 1-PACMAN partylist Rep. Mikee Romero ng karagdagan pang 3-M para sa magiging gold medalist ng bansa.

Hindi pa kasama dito ang 10-M na ibibigay ng gobyerno kay Hidilyn na nakalagay sa R.A No. 10699 na pinirmahan ng dating Pangulong Benigno S. “Noynoy” Aquino III.

Matatandaan na naging kontrobersiyal noon ang weightlifter matapos niyang humingi ng tulong sa mga pribadong kumpanya upang tulungan na gastusan ang kanyang training dahil kapos ang kanyang pondo.

“Sa tingin niyo, okay lang kaya? Nahihiya kasi ako pero try ko kapalan mukha ko para sa minimithi kong pangarap para sa ating bansa na maiuwi ang gold medal sa Olympics,” ani Diaz noong 2019.




WATCH| Hidilyn Diaz, binigyan ng unang gold medal ang Pilipinas, mahigit 30-M pesos naghihintay sa kanya bilang pabuya WATCH| Hidilyn Diaz, binigyan ng unang gold medal ang Pilipinas, mahigit 30-M pesos naghihintay sa kanya bilang pabuya Reviewed by Pinoy Trends on July 26, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.