WATCH| Herlene “Hipon Girl” Budol ibinahagi kay Toni Gonzaga na hirap na siya sa buhay: “Walang-wala na talaga.”


Hindi napigilan ng television host na si Herlene Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl” habang ikinukwento niya ang naging career niya sa showbusiness na ayon sa kanya ay agad na naglaho.

Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa programang ‘Toni Talks’ ay ibinahagi ni Hipon ang mga naging karanasan niya bilang host sa Wowowin.

Ayon sa kanya ay naranasan niya ang maging marangya ng maging host siya sa nasabing programa ni Willie Revillame.

Malaki ang naging panghihinayang niya dahil dalawang taon lamang ang itinagal ng kanyang career dahil sa nangyaring pandemya sa bansa.

Buti na lamang daw ay may naipon siya kahit papaano na 100,000 na naubos naman kagad.

Kwento niya ay sobrang nahihiya siya sa kanyang mga magulang dahil sa wala na siyang maibahagi sa kanila.

“Hindi alam ng lolo’t lola ko na nag-ipon ako. Tapos, gate pa lang ang napapagawa ko sa bahay namin, hindi man lang pumasok ng bahay. Siyempre, buong angkan ko, sa akin [nakaasa]. Talagang walang-wala.” ani Hipon.

“Na-anxiety ako. Umiiyak ako araw-araw. Dumating ako sa puntong parang ayoko na. Ayoko nang magpakita sa pamilya ko kasi nahihiya ako. Back to zero kami. Walang-wala na talaga. Kahit hanggang ngayon, wala na ulit akong pinagkukunan ng pera talaga kasi sa akin lahat umaasa talaga ang pamilya ko. “ dagdag niya pa.

Dito na na-realize ni Herlene ang diumano’y realidad sa showbusiness.
div>
“Totoo yung sinasabi, hindi habambuhay yung sa TV ka. Dalawang taon pa lang ako, tingnan mo, wala na kaagad.” sabi niya.

Nakilala si Hipon matapos siyang maging contestant sa isa sa mga segment ng Wowowin.

Naging biktima narin ng maling balita si Hipon matapos kumalat na diumano’y nabuntis siya ng kanyang dating boss na si Willie.

Mariin niya namang itinanggi ito at ipinakita pa nga niya ang kanyang katawan sa social media bilang patunay na siya ay hindi nagdadalang tao.


WATCH| Herlene “Hipon Girl” Budol ibinahagi kay Toni Gonzaga na hirap na siya sa buhay: “Walang-wala na talaga.” WATCH| Herlene “Hipon Girl” Budol ibinahagi kay Toni Gonzaga na hirap na siya sa buhay: “Walang-wala na talaga.” Reviewed by Pinoy Trends on July 25, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.