NAG AWAY? Xian Gaza at manghuhula na si Rudy Baldwin, nagpalitan ng maanghang na mensahe sa social media


Nagpalitan ng maanghang na mensahe ang internet celebrity at self-confessed scammer na si Xian Gaza at ang kilalang manghuhula ngayon na si Rudy Baldwin.

Kinuwestiyon kasi ni Xian ang mga hula ni Rudy na karamihan ay tungkol sa mga maaring mangyaring masama sa iba’t ibang lugar at tao.

Sa kanyang Facebook post, pinuna ni Xian ang vision ni Rudy tungkol sa nangyaring lindol noon sa Batangas ngunit hindi naman daw nahulaan ng manghuhula ang pagkapanalo ni Hidilyn Diaz sa Olympics.

“Bakit yung lindol sa Batangas last July 24 ay na-vision mo kuno pero yung tagumpay ni Hidilyn Diaz ay hindi? Ahh… kasi nag-alburuto nga pala yung Bulkang Taal earlier this month kaya may pa-sinkhole kemerut boom boom pow ka pa diyan at bumubulang sabon sa lupa haha. Posibleng-posible talaga ang lindol sa paligid ng Taal Lake anytime.

Tinanong din ni Xian kung bakit ang pagpanaw ni Ate Shawee ay nahulaan daw ni Rudy ngunit ang pagkapanalo ni Hidilyn ay bigo nitong mahulaan.


Suspetsa ni Xian ay alam na kasi ni Rudy na malala na ang kalagayan ng komedyante kaya naman kampante ito sa kanyang hula na papanaw na ito.

Nagbanta naman si Xian na may ilalabas siyang expose laban kay Rudy sa darating na Linggo.

Sinugod naman ni Rudy ang social media page ni Xian at pinuna nito ang masama nitong ugali.

“Natatawa ako sayo .ayaw ko sabhin sayo _ ka.pero ikaw na mismo naglatag yan sa sarili mo??ano nga pala pinaglaban mo??ang maganda mong profile o ang kitid ng utak mo .ano kinalaman ko dyan sa olympics .bawat ba galaw ng tao dapat ipakita ng vision ko?tandaan mo vision meron ako .kung ano lang makita yon lang pwedi ko sabhin. Ilagay mo ang profile at talino mo sa lawak ng utak mo,” banat ni Rudy kay Xian.

“Abangan nyo sya ng malaman kung saang galing ang hugot meron ka .kawawa ka naman di bagay yang profile mo sa ugali mo .sino kaba??ano ba pinagmalaki mo pala??kilala ba kita ??” dagdag niya pa.

Hindi rin natatakot si Rudy sa ilalabas na impormasyon ni Xian sa linggo.

“Wag mo ako takutin wala sa bukabularyo koaging matakot .dahil me DIOS ako na kakampi.Godbless,” sabi niya pa.

Umabot ng libo libong shares ang nasabing thread sa Facebook.

Nakilala si Xian dahil sa mga diumano’y ginawa niyang panloloko na inamin rin naman niya kalaunan.

Si Rudy naman ay umani ng milyon milyong followers sa social media dahil daw nagkakatotoo ang mga hula nito.


NAG AWAY? Xian Gaza at manghuhula na si Rudy Baldwin, nagpalitan ng maanghang na mensahe sa social media NAG AWAY? Xian Gaza at manghuhula na si Rudy Baldwin, nagpalitan ng maanghang na mensahe sa social media Reviewed by Pinoy Trends on July 30, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.