Janus del Prado, ipinagtanggol si Bea Alonzo kay Direk Erick Salud: “Kala mo naman malaki naitulong mo sa career niya.”


Ipinagtanggol ng aktor na si Janus del Prado ang kanyang kaibigan na si Bea Alonzo mula sa mga banat ng Kapamilya director na si Erick Salud.

Matatandaan na kinuwestiyon ni direk Erick ang biglaan niyang paglipat sa rival network ng ABS-CBN na GMA-7.

“Bakit kaya? May project siya na nasimulan at na-promote na prior to pandemic. Tapos sey niya, ‘di pa siya ready mag-shooting. Ayun pala lilipat. Aaaarte! Naghihirap ba siya? E, may big farm nga. Kaloka siya!” ani Erick.

Sa kanyang Instagram post, binanatan ni Janus ang mga pahayag na ito ni Erick at tinawag niya rin na “makitid ang utak” ng iba pang tao na kumukwestiyon sa desisyon ni Bea.


Ayon sa kanya ay may ginawa din naman si Bea para maabot ang kasikatan niya sa showbusiness.

“Bago niyo nga pala sabihan na hindi marunong tumanaw ng utang na loob yung tao, make sure na may utang na loob na kailangan tanawin.” ani Janus.

“It’s not like they gave her handouts, pinaghirapan niya naman kung nasan siya ngayon. At kumita din naman sila ng malaki sa karera niya.” dagdag niya pa.

Matapos nito ay dito niya na binanggit ang banat ni Erick at sinabi na hindi naman daw kalakihan ang naiambag ng direktor sa career ni Bea.

“Ano kinalaman nung Farm niya sa paglipat niya? Regalo mo ba sa kanya yun Direk? Kailangan niya rin bang tanawin na utang na loob yun?” tanong ni Janus.

“Pinagpuyatan, pinaghirapan at pinag-ipunan niya yun. Kung manunumbat make sure may karapatan manumbat. Kala mo naman malaki naitulong mo sa career niya.” dagdag niya pa.

Hindi pa nagbibigay ng tugon si Erick sa mga banat sa kanya ni Janus.

Matatandaan na naging usap usapan ang biglaang paglipat ni Bea sa GMA.

Ayon naman sa kanya ay matagal niya itong pinag isipan at may basbas ito ng kanyang mga dating boss sa ABS-CBN.


Janus del Prado, ipinagtanggol si Bea Alonzo kay Direk Erick Salud: “Kala mo naman malaki naitulong mo sa career niya.” Janus del Prado, ipinagtanggol si Bea Alonzo kay Direk Erick Salud: “Kala mo naman malaki naitulong mo sa career niya.” Reviewed by Pinoy Trends on July 08, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.