‘Hindi ko iiwan ang ABS-CBN’ Angel Locsin, nagbigay din ng komento sa mga artista na lumilipat ng network


Nanindigan ang aktres na si Angel Locsin na hinding hindi niya iiwan ang ABS-CBN kahit na malabo parin ang posibilidad na makakuha ito ng bagong prangkisa.

Sa isang panayam, sinabi ni Angel na hindi niya iiwan ang ABS-CBN dahil naniniwala siya na ito ang “tama” at hindi niya daw kayang iwan ang kanyang mga kasamahan sa nasabing istasyon.

“Hindi mo naman sila iiwan habang naghihirap, di ba? Habang may pinagdadaanan, hindi mo iyan iiwan kapag mahalaga sa’yo,” ani Angel.

“Habang may pinagdadaanan yung ABS-CBN, nandito lang ako.” dagdag niya pa.


Nagbigay din ng komento ang aktres sa mga artista ng kapamilya network na nag desisyon ng lumipat ng network.

Ayon sa kanya ay hindi niya naman hinuhusgahan ang mga kasamahan niya na sumakabilang bakod na dahil naiintindihan niya na naghahanap buhay ang mga ito.

“Naiintindihan ko at alam ko na kailangang kumayod para mabuhay. Lahat tayo may iba-ibang pinagdadaanan.” sabi ng aktres.


“At masaya ako kung makahanap sila ng ibang trabaho sa panahong ito at iyan din naman ang gusto ko—ang nasa maayos na kalagayan ang lahat.” dagdag niya pa.

Matatandaan na ilang artista na ng ABS-CBN ang lumipat sa GMA-7 katulad nila Pokwang, John Lloyd Cruz at ang usap usapan ngayon na si Bea Alonzo.

Naniniwala naman siya na darating ang panahon at mapagbibigyan muli ang ABS-CBN ng pagkakataon na umere sa telebisyon.

“Baka mabigyan ng pagkakataon na mapakita at maayos kung anuman ang mga dapat ayusin. Naniniwala talaga ako dahil iba rin ang clamor ng mga tao. Maraming nakaka-miss.”

Ngayong linggong ito ay inalala ng mga celebrities ang pagsasara ng ABS-CBN dahil sa bigo itong makakuha ng prangkisa mula sa kongreso.


‘Hindi ko iiwan ang ABS-CBN’ Angel Locsin, nagbigay din ng komento sa mga artista na lumilipat ng network ‘Hindi ko iiwan ang ABS-CBN’ Angel Locsin, nagbigay din ng komento sa mga artista na lumilipat ng network Reviewed by Pinoy Trends on July 11, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.