HIGHTECH NA? Bagong Estilo ng Pangongotong nang isang Traffic Enforcer, naka E-wallet at Cashless na


Sa pagdali ng pamamaraan upang makapag bayad at hawakan ang ating mga pera ay para bang sumabay din sa pagbabago ang paraan ng pangongotong ng mga traffic enforcer sa Maynila, dahil ginagawa na nila itong cashless at e- wallet na ang bayaran. 

Nitong Biyernes ay nag viral ang video kinuhanan ni Proceso Esteban Gonzales, ng sitahin sila ng isang traffic enforcer na si Oliver Fernandez dahil sa isang daw umanong traffic violation noong June 8, sa tondo. 

Sabi ng traffic enforcer kay Gonzales ay marami daw umano silang nilabag kaya uambot ng 5,000 ang dapat sana nilang bayaran sa ticket, ngunit nag karoon ng tawaran kaya 2,000 na lamang ang pinababayaran sa kanila. 


Sa kadahilanang walang cash na pera sila Gonzales ay pinatawag umano ni Fernandez ang kanyang amo upang sa kanya na lamang e- wallet e send ang pera. Ang hindi alam ng traffic enforcer na nangongotong ay naka video na pala ang ginagawa nyang katiwalian.

Nakarating sa Manila Traffic and Parking Bureau ang naturang video, at kinabukasan ay sinibak na si Fernandez matapos nitongb umamin sa kasalanan. 

Ayon kay MTPB Operations Chief na si Wilson Chan ay sinabi daw ni Fernandez sa kanyang commander na 2,000 ang kanyang hiningi. Dagdag pa nya ay nag upgrade na daw ang pangongotong.


HIGHTECH NA? Bagong Estilo ng Pangongotong nang isang Traffic Enforcer, naka E-wallet at Cashless na HIGHTECH NA? Bagong Estilo ng Pangongotong nang isang Traffic Enforcer, naka E-wallet at Cashless na Reviewed by Pinoy Trends on July 05, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.