Aktor na si John Estrada, ibinisto ang kanyang bestfriend na si Richard Gomez na takot sa karayom "Naawa ako"


Nag viral kahapon ang mga litrato ng aktor at alkalde ng Ormoc na si Richard Gomez kung saan ay makikita na pinapakalma niya ang isa sa mga binabakunahang residente nila.

Sa nasabing litrato ay makikita si Richard habang hawak hawak ang kamay ng isang babae habang ito ay tinuturukan.

“I asked her if it would help calm down if I held her hand while getting injected. She said yes.” kwento niya.

“Naluoy ko, hugot intawon kaayo iya pagpislit sa ako kamot.[Naawa ako, ang higpit ng pagpisil niya sa aking kamay.]” dagdag niya pa.


Umabot ng 28,000 reactions ang nasabing mga litrato, ngunit may isang comment doon ang nakapukaw ng pansin sa mga netizens.

Ang nasabing komento ay mula sa aktor na si John Estrada na kanyang best friend.

Ayon kasi kay John ay takot din daw sa karayom si Goma.

“Ang hindi nila alam takot ka rin sa karayum besfriend,” ani John.

Hindi naman nahiyang aminin ni Richard ang kanyang takot sa karayom at sinabi na ginawa niyang pakalmahin ang babae dahil naiintindihan niya ang kalagayan nito.

“Kaya nga naiintidhan ko ‘yung situation nya. Hahahahaha!” saad ng alkalde.


Isa sa mga pinagkakaguluhang aktor at leading man si Richard kaya naman madaming netizen ang natawa na ang hinahangaan pala nila ay takot sa karayom.

Samantala ay may mga netizens din namang nainggit sa nasabing babae at sinabi na sana ay sila nalang daw ang hinawakan ng kamay.

Ang iba ay bigla nalang din nagkaroon ng takot sa karayom.


Aktor na si John Estrada, ibinisto ang kanyang bestfriend na si Richard Gomez na takot sa karayom "Naawa ako" Aktor na si John Estrada, ibinisto ang kanyang bestfriend na si Richard Gomez na takot sa karayom "Naawa ako" Reviewed by Pinoy Trends on July 07, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.