PANOORIN: Duque, sinabi na hindi naman siya tinanong ni Pacquiao tungkol sa DOH noong nasa senado sila: “Walong oras kami doon”


Malungkot ang kalihim ng Department of Health na si Francisco Duque III sa mga pahayag laban sa kanya ni Senador Manny Pacquiao na kinokonsidera pa naman niyang isang kaibigan.

Ayon sa kanya ay walang basehan ang mga ibinibintang sa kanya ni Pacquiao na hinahanap kung saan napunta ang perang inutang ng bansa para sa pandemya.

Handa namang ipakita ni Duque ang lahat ng ebidensiya na magpapatunay na wala silang kinukupit na pera.

“We are always open. Our books are always open to public audit, on top of the COA audit. Wala namang problema, kung anong hinihingi niya we will give it all,” ani Duque.

Ikinuwento din noon ni Duque na noong Hunyo 14 ay walong oras silang nasa hearing ng Senate Committee of the Whole ngunit hindi naman daw sila tinanong ni Pacquiao tungkol sa korapsyon sa DOH.

“Walong oras kami doon, ni isang tanong walang nanggaling kay Sen. Manny Pacquiao. Walang tanong ni isa, so nakakapagtaka naman na bigla-bigla na lang magsasabi. Although in fairness, wala naman siyang sinabing ninakaw.
Wala naman siyang sinasabi na ito’y kinomisyon, sinasabi lang niya handa na ba kayong magpaliwanag,” ani Duque.

Sinabi pa ni Duque na madali lang ang magbago ng akusasyon ngunit mahirap ang maghanap ng ebidensiya.

Hindi pa sinasagot ni Pacquiao ang mga pahayag sa kanya ni Duque.

Matatandaan na hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Pacquiao na pangalan ang mga kurakot diumano sa gobyerno.

“Within one week, may gawin ako. Maglista ka, Pacquiao, at sinasabi mong two times kaming mas corrupt. Ilista mo ‘yung mga tao at opisina. Dapat inilista mo na ‘yan noon, at ibigay mo sa akin.” hamon ng Pangulo.


PANOORIN: Duque, sinabi na hindi naman siya tinanong ni Pacquiao tungkol sa DOH noong nasa senado sila: “Walong oras kami doon” PANOORIN: Duque, sinabi na hindi naman siya tinanong ni Pacquiao tungkol sa DOH noong nasa senado sila: “Walong oras kami doon” Reviewed by Pinoy Trends on June 30, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.