LOOK: Netizen sobrang binatikos matapos laitin ang isang heneral na kaliwang kamay ang gamit kapag sumasaludo ng hindi alam ang istorya!


Hindi pinalampas ni dating Agriculture Secretary at ngayong Mindanao Development Authority Chairman Manny PiƱol ang isang netizen na nilait ang isang opisyal ng AFP na sumasaludo sa labi ni dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.

Sa isang screenshot ay mababasa ang panglalait at pagtawa ng netizen sa nasabing opisyal dahil kaliwa ang ginagamit nitong kamay sa pagsaludo sa dating Pangulo.

“Naloko ako kay General, saludo niya kaliwa. Talo ka pa ng Security Guard sa Malls. Are you all right sir?” sabi ng netizen na hindi pinangalanan ni PiƱol.

Hindi nagustuhan ni PiƱol ang sinabing ito ng netizen dahil ang nilalait nitong opisyal ay ang mismong Chief of Staff ng AFP na si General Cirilito Sobejana na isang Medal of Valor Awardee.


Ibinibigay lamang ang Medal of Valor sa mga miyembro ng kasundaluhan na hindi mapapantayan ang nagawa habang sila ay nasa serbisyo.

Tanging 41 lamang ang nabigyan ng nasabing medalya simula ng umpisahan ito noong 1935.

Ayon kay PiƱol ay hindi na nagagamit ni Gen. Sobejana ang kanyang kanang kamay dahil sa ito ay nawasak matapos ang engkwentro niya laban sa mga miyembro ng Abu Sayaff noong 1995.

Kaya naman ang kaliwang kamay na lamang ng heneral ang kanyang ginagamit kapag siya ay sumasaludo at alam naman ito ng karamihan sa AFP.


Sana daw ay nagtanong tanong muna ang nasabing netizen bago niya kinutya ang isa sa mga “living heroes” sa bansa.

“Poking Fun At Living Hero! I very seldom react to toxic posts I read on Facebook but I came across an item today which poked fun at Gen. Cirilito Sobejana, the AFP Chief of Staff for rendering a left hand salute during the rites for President Benigno Aquino III and it really incensed me,” sabi ni PiƱol.


“Ganito na ba tayong mga Pilipino ngayon – mapanghamak at mapangutya? We have to confront ourselves with these questions and find solutions.” dagdag niya pa.

Kadalasan ay sa mga pumanaw ng sundalo ibinibigay ang nasabing parangal na nagbibigay din ng dagdag benepisyo na 75,000 pesos monthly lifetime gratuity.

Ilan pa sa mga nakatanggap nito ay sila Marawi hero Army Captain Rommel Sandoval at Private First Class Ian Pacquit na parehong nasawi sa kanilang misyon habang pinoprotektahan ang kanilang mga kasamahan.

Hindi naman malaman kung humingi na ba ng tawad ang nasabing netizen.


LOOK: Netizen sobrang binatikos matapos laitin ang isang heneral na kaliwang kamay ang gamit kapag sumasaludo ng hindi alam ang istorya! LOOK: Netizen sobrang binatikos matapos laitin ang isang heneral na kaliwang kamay ang gamit kapag sumasaludo ng hindi alam ang istorya! Reviewed by Pinoy Trends on June 28, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.