ILALABAS NA? Manny Pacquiao Handa ng isiwalat ang Katotohanan sa Korapsyon ng Duterte Government “Hindi ako sinungaling, Ilalabas ko ang Katotohanan”


Hindi nagpatinag si Senador Manny Pacquiao sa mga banat sa kanyang kaalyado na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kahapon ay binanatan ng Pangulo si Pacquiao matapos sabihin diumano ng senador na mas kurakot ang kasalukuyang administrasyon kaysa sa mga nagdaang pamuuno.

“Within one week, may gawin ako. Maglista ka, Pacquiao, at sinasabi mong two times kaming mas corrupt. Ilista mo ‘yung mga tao at opisina. Dapat inilista mo na ‘yan noon, at ibigay mo sa akin.” hamon ng Pangulo.

“Di ba ang sabi ko noon, if you come to know that is a corruption, let me know. Give me the office . . . Ganoon ang dapat na ginawa mo. Wala ka namang sinabi noong all these years, puro ka praises nang praises sa akin, tapos ngayon sabihin mo corrupt,”

“So I’m challenging him, ituro mo opisina na corrupt at ako na bahala within one week, may gawin ako. Maglista ka Pacquiao at sinasabi mo two times kaming corrupt, ilista mo yun mga tao at opisina na dapat inilista mo pa noon at ibigay mo sa akin,” dagdag niya pa.

Sagot naman ni Pacquiao, si Pangulo mismo ang nagsabi na mas dumami ang kurakot sa panahong ito.

Tinatanggap din diumano ng Filipino boxing icon ang hamon ng Pangulo na pangalanan ang mga kurakot na opisyal ng gobyerno.

“Tinatanggap ko ang hamon ng Pangulong Rodrigo Duterte. Salamat po at binigyan nyo kami  ng pagkakataon na tumulong sa inyo at bigyan kayo ng mga impormasyon para kampanya kontra korapsyon,” ani Pacquiao.

Iginiit din ni Pacquiao na hindi niya kayang magsinungaling o mangurakot kahit kailan sa kanyang buhay.

“Mawalang galang po mahal na Pangulo, nguni’t hindi ako sinungaling. May mga naging pagkakamali ako sa buhay na aking itinuwid at itinama nguni’t dalawang bagay ang kaya kong panghawakan. Hindi ako tiwali at hindi ako sinungaling,”

“Magsimula tayo sa DOH. Saan napunta ang pera na inutang natin para sa pandemya?”

Isa si Pacquiao sa mga malapit na kaalyado ng Pangulo at posibleng tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno sa susunod na taon.

Samantala ay sinabi ng Malacañang na isa si Pacquiao sa mga pinipili ni Duterte para suportahan ngunit tila hindi makapaghintay ang Senador sa desisyon ng Pangulo.


ILALABAS NA? Manny Pacquiao Handa ng isiwalat ang Katotohanan sa Korapsyon ng Duterte Government “Hindi ako sinungaling, Ilalabas ko ang Katotohanan” ILALABAS NA? Manny Pacquiao Handa ng isiwalat ang Katotohanan sa Korapsyon ng Duterte Government “Hindi ako sinungaling, Ilalabas ko ang Katotohanan” Reviewed by Pinoy Trends on June 29, 2021 Rating: 5

1 comment:

  1. Mag hain cya ng kaso para Hindi cya sinungaling at evendence tulad ni marcolitaa

    ReplyDelete

Powered by Blogger.